Friday, January 17, 2014

Instant White Lotions

Hi there!

After my review sa mga soaps, heto naman ako sa lotion.


When I watched the advertisement of Skin White, yung instant white daw?
Hala! daretso ako sa mall!



Daretso apply... tapos, "The fudge! Ano to? Asan ang instant white?"


Yes.. nasayang ang aking precious 123 pesos!




Kaya naman nagmadali ako sa harap ng computer and naghanap ng lotions na instant white talaga.

Then I found this...



MOIST


Ang dami kong claps dahil sa lotion na ito!

Upon application, pumuputi na look mo... Pero alam kong washable naman siya.

Pero kahit alam kong wasahble siya. Still, bumili ako ng 3 pieces. Huwag lang masyadong damihan ang paglagay lalo na kapag may lakad ka. Nahahalata yung puti-puti niya. Tsaka hindi ko siya isa-suggest na gamitin kapag mag-eexercise ka. Maglalapot ka talaga.


Pero nagulat ako noong maligo na ako, super smooth ng skin tapos mas radiant na siya kesa sa dati. Ang galing!

So I even bought yung scrub and body wash niya. My skin feels so soft talaga.

Wala pang 1 week eh nakikita ko na yung effect.
Try this! Mura lang siya... I'm buying it for 130 per bottle.

Monday, December 30, 2013

Whitening Soaps (Review)

Hi!

Ok. So I am posting this thing in my blog (it's my first post using this account) not because I got paid by any company. I wanted to post this to help you. Yes, you!

Tsss... Alam ko namang kaya ka kandito eh para maghanap ng sabon at iba pang products na nakakaputi eh. Aminin mo, super pangarap mo din pumuti noh? Ako... OO. Promise!

At dahil diyan, talaga namang I tried lots of soaps just to lighten my skin.

Kainis kasi kapag maitim. Kahit maganda ka, hindi masyadong lutang, diba?

Kaya naman let's start!



The first soap that I used when I was in 2nd year high school (kung kailan ko napag-isip-isip na magpaputi) was Kojic Soap.

Effectiveness Rate: 7/10

Tama, yung ganyan muna.

I got this for 45 pesos per bar. Madali siyang matunaw so hinahati ko siya into 3.

Tell you, kahit hindi siya branded, talaga namang ito ang naging first step sa pagputi ng skin ko. Nawala din nito ang pimples ko noon sa noo.



Pero siyempre habang paputi ka, you keep wanting more kaya naman I switched to.....

Effectiveness Rate: 7/10

Kojic soap padin nama.
I didn't see any difference from the first Kojic soap that I used. Same na effective. Kaso, dahil branded siya at mayroong mas murang packs, nagstick na lang ako dito sa Kojie San.
Nakakadry siya at first kaya kailangan talaga ng mositurizing na lotion.

Ok na yung skin ko. Hindi na siya tulad ng dati na as in brown talaga.
Even my classmates were telling me na maputi na daw ako. Ako naman, siyempre hindi naniwala. Eh kasi siyempre, maiitim sila (hindi sa nanlalait pero mas maitim pa sila ng malayo kesa sa dati kong maitim na skin) kaya ang tingin nila sa iba, kahit hindi naman kaputian eh maputi na.


Tapos heto, may tinda na naman si Aunt Ruby sa store niya, Dane.

Effectiveness rate : 8/10

Sorry eto lang makita kong picture niya sa net eh.

Anyway, I really loved this soap. Talagang makikita mo yung whitening effect in just 2 weeks.
Ang kaso, I really was worried noong una ko siyang i-try since super mahapdi siya sa skin and makati after bath.

Pero siyempre desperada... go lang nang go.
And yun nga, pumuti pa lalo yung skin ko!



And dahil sa I just kept wanting more, I used Kojic, Dane, and PERLA at the same time.


Yes, itong Laundry Soap na ito.
I never used it alone pero I can say na effective naman talaga siya so I give it a rate of 6/10.

Pero yung 3 soaps altogether, (KOJIC plus DANE plus PERLA), it's really something. I give the combo a rate of 9/10.




Then I went to college.

Palibhasa, malayo na ako from my parents so nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumili-bili ng mga kung anu-anong mas mamahaling pampaputi.



I tried this AMIRA.


This was so effective! Within just a week na ginamit ko siya, as in pumuti talaga ako!

Nashock nga mga kasama ko sa boading house eh. Ang probelma lang, yellowish yung kulay ko pero hindi naman siya ganon kalala. Basta super radiant ng skin ko sa product na ito.

I give this product a rate of 10//10!


The only problem was... Ubos ang 1 month allowance ko sa pagbili ng 1 set!

Super mahal kasi eh. Yung soap alone is 120 yata. And yung lotion, almost 300. Tapos ang mahal ng cream. Super!

So even though SUPER effective siya, I found myself quitting sa product na ito.

Pero kung hindi problem sayo ang pera, then go! I bought it sa Phyla Herb stall sa Puregold. And nakikita ko naman siya sa stores na nagtitinda ng mga kung anu-anong pampaputi.

And note: I rated the product as a set. Hindi yung sabon lang. Ok?



So after that, naghanap ako ng iba pa.



Naakit ako ng Gluta C.


May pagkamahal din siya.

Pero mas mabigat ang loob ko nang maubos ko itong product na ito within two weeks and didn't see any result. As in wala. Zero! Biruin mo, yung 700 ko, nawash-out! Isang set pa yan ah!

2/10 lang ang sabon na ito for me kasi somehow eh smooth naman ang skin ko sa kanya.



After this, I tried using Asian Secrets.


Parang effective naman siya. Ang kaso, tanga ako eh. Mali yung pagkagamit ko -_-

Dapat pala before ka talaga maligo mo i-apply yung scrub. Eh ang ginawa ko, maliligo ako tapos i-i-scrub ko siya before my last rinse. Ganun kasi sa ibang scrub na binili ko... haha!

Update: Hindi rin talaga siya effective. Haha!



Ang SUTLA FLAWLESS.


Naengganyo ako sa mga posts ng before and after pics pati na din mga feedbacks ng mga nag-oorder so umorder agad ako.

And as of now, ito pa din ang gamit ko. 3 weeks ko palang siyang ginagamit and I'm starting to really love Sutla. It makes my skin very radiiant. Wala ding hapdi sa first usage. May tightening  effect. Basta! Like na like ko siya! Lalo na yung lotion kasi super bango.
9/10 itong product na ito!



Ok. That's it. I hope eh natulungan ko kayo kahit paano. :)

You're free to ask anything.


UPDATE: I stopped using Sutla now kasi nagmahal na siya. Buti pa siya nagmahal ako hanggang ngayong wala pa. :D